But who cares for my opinion.
So wag mo naman ako idemanda.
What the Heck!!!
“NITONG MGA NAKARAANG ARAW, marami pong tumitira sa akin lalo na sa Twitter. Nanahimik lang ako. Pero hindi ko na talaga kaya ang ginagawa nila sa akin. Sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Jim Paredes, Agot Isidro, Bianca Gonzales, K Brosas, Tuesday Vargas, Mylene Dizon, Thia Megia, Maria Aragon at ang buong Talent Center ng ABS-CBN… lahat sila nakikisawsaw po sa isyu! Bakit? Ano ba ang nagawa n’yo para sa sambayanang Pilipino? Ano ba ang naitulong n’yo sa ating mga kababayan?
Subukan n’yong lumabas sa gate at mamigay ng pera sa mahihirap, sa special children, sa matatanda, at sa mga nangangailangan! ‘Yan ang dapat n’yong gawin, hindi ‘yong tira kayo nang tira, at Twitter kayo nang Twitter, mga walang career!
Ikaw Jim Paredes, matagal mo na akong tinitira. Sa Friendster pa lang tinitira mo na ako. Get elected first as barangay captain, then let’s talk. Ikaw naman Lea Salonga, Ingles ka nang Ingles! Akala mo ba ‘di ko naiintindihan ang mga tweets mo!? Nagkakamali ka! Dalawa ang dictionary ko sa bahay! At ikaw Tuesday Vargas! Kapatid mo ‘ko, huwag mo akong tirahin. For your information, sa aking show galing ang ipinapasuweldo sa ‘yo! And you, Aiza Seguerra! Hindi ka magkakaanak, tandaan mo ‘yan! Pagdating ng panahon, mauunawaan mo ako! And finally, ikaw Maria Aragon, ‘di ba exploitation ang ginagawa sa ‘yo? Kumakanta kang kasama si Lady Gaga na nakapanty at nakabra lang! Sino ngayon ang nang-aabuso?
‘Yang DSWD at Commission on Human Rights, hinusgahan agad nila ako! Napakaraming dapat asikasuhin pero ako ang tanging nakita nila. Ikaw Secretary Soliman, maraming street children sa streets! Unahin mo sila! At ‘yang highlights mo, ‘di na uso ‘yan!
Sa Human Rights commissioner, maraming OFWs po ang nakakulong! Asikasuhin n’yo muna ang mga kababayan nating tulad ni Ronald Singson bago n’yo ‘ko tirahin!
Pinag-iinitan n’yo ba ako dahil si Vetellano Acosta ang sinuportahan ko noong eleksyon? I will stick with him dahil amusing siya!
Kayong lahat na tumira sa akin, hahanapin ko ang mga tweets n’yo! Kahit wala akong Twitter, hahanapin ko pa rin! Idi-demanda ko kayo! Humanda kayo! Idi-demanda ko kayo!
Aaminin ko, ilang advertisers na rin ang nag-pull out ng kanilang commercials. Masakit po ang ginawa nila. ‘Yang Mang Inasal na ‘yan, napakasama ng asal! Nang-iiwan sa ere. ‘Yong Procter & Gamble, sobrang personal ng sulat n’yo. Pati hair and make up ko, pinapakialaman n’yo. Wala naman akong hinangad kundi ang magpasaya ah. Hindi po ako nang-abuso o nang-molestya. Nasa edad na ‘yong mga seksing dancers! Pumayag sila! At ‘yong mahigit pitumpung namatay sa Ultra, hindi ko kasalanan ‘yon! Kasalanan ng ABS-CBN ‘yon! Gusto nila ng ratings, ayun, tumaas ang ratings ng newscast nila.
Sa ABS-CBN, alam n’yong totoo ang sinasabi ko! Hindi ako natatakot sa inyong demanda. Marami akong lalabas na witness. Kay Mr. M, Johnny Manahan, salamat sa ‘di mo pagtalikod sa akin. Lipat ka na kasi rito! Tara na!
Kay MVP, you’re the best! Maraming salamat sa iyong suporta. Akala ko noong una, iiwan mo rin ako dahil sa pressure ng Inquirer, ng mga columnists, civil society, at ng mayayamang tao sa Twitter at Facebook. Pero mali ang aking akala. Surprisingly, suportado mo pa rin ako hanggang ngayon. Apir!
Magpapahinga po muna ako sa susunod na dalawang linggo. Dadalhin ko muna ang yate ko sa Boracay. Pag-iisipan ko pa kung babalik ako sa industriyang ito.
Ipagdasal po ninyo na sana ay makabalik ako at ang ating programa dahil kung hindi… sinong mamimigay sa inyo ng pera? Sinong mamumudmod sa inyo ng papremyo? Sinong tutulong sa mahihirap? Sinong magpapasaya sa mga nalulungkot? Sinong magpapakain sa mga nagugutom? Sinong magtatanggol sa mga walang laban? Sino ang pag-asa ng sambayanan?
Ako lang.
Maraming salamat po sa inyong suporta!”