Ipinapakita ang mga post na may etiketa na getready. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na getready. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Agosto 2, 2012

Pag asa

Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito:
ang pananampalataya, ang pagasa at ang pagibig;
nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
Pag asa.Hope, yung feeling na ang mga events will turn out for the best and since hope springs eternal, this page will deviate a little to monitor the thing related to PAGASA,
the weather and our environment.

‘Gener’ death toll reaches 46

8/2 Manila Bay trash fills 48 trucks and counting

Typhoon batters Taiwan, kills 5; China on alert

Twin storms Damrey and Saola near coast of China

8/4
UN body sends first food aid to flood-hit N. Koreans
to be updated...

Miyerkules, Marso 23, 2011

Magsanay na tayo para sa sakuna

KADE-KADENANG trahedya ang tumama sa Japan. Lindol. Tsunami. Lamig. Nuclear plant radiation fallout. Kakapusan ng tubig, pagkain at gamot. Kawalan ng kur­yente, sasakyan at komunikasyon. Pero kung tutuusin konti lang ang namatay at malubhang nasugatan sa kanila. Ito’y dahil malumanay at disiplinado ang tugon nila sa sakuna. At bakit gan’un ang naging kaisipan nila? Kasi matagal na at malimit silang nag-e-ensayo para sa sakuna. Alam na nila — bata, matanda, babae, lalaki — kung ano ang kani-kanilang gagawin.

Dapat pamarisan ang asal ng Hapones. Hindi puwede ang Bahala-Na attitude ng mga Pilipino. Dapat salubungin natin ng pagsasanay ang natural at man-made disasters. Taun-taon tayo tinatamaan ng dalawang dosenang bagyo. Dulot nito ang baha at mudslides. Tuwing Marso 500 sunog­ ang naitatala ng mga bumbero. Maraming nawawalan ng tirahan, at naiimpekta sa sugat-sunog. Halos 400 lindol ang rumerehistro sa seismographs araw-araw. Bagamat karamihan ay sobrang hina, mapag-pinsala ang ilang malalakas. Nagbubunsod ng pagtumba ng kabahayan at gusali.

Dalawa ang obvious na dapat gawin. Sa natural disasters, dapat planuhin natin ang mga tamang hakbang. Sa man-made disasters — sunog, banggaan sa kalye o dagat, atbp. — dapat mag-ingat na iwasan. Kailangan ng regular na earthquake, fire at flood drills sa mga opisina, pabrika, paaralan, barangay, at bahay. Bawat pamilya ay dapat magtabi ng first-aid kit.

Tungkulin pamunuan ang mga ito ng barangay officials­, school principals, office at factory managers, at padre/madre de pamilya. Kumbaga sa Boy Scout, dapat Laging­ Handa.

Original article: Magsanay na tayo para sa sakuna