Sabado, madaling araw. Naiwan ko sa office and dala kong payong kahapon. Naiwan ko ba o talagang iniwan ko. Di ko lang siguro trip magbitbit ng payong lalo pa wala akong bag na paglalagyan. Kahit three fold pa siya, di ito kasya sa beltbag ko.
Ganun pa rin ang weather, ang ulan ay nagbabantang bumagsak sa ilang saglit, pero ako lumabas ng bahay, na parang di mababasa sa patak ng ulan. Di man lang ako nag dala ng jacket.
Isa sa isipin ko na bumili ng dyaryo sa unang tindahan na madaanan ko, pero di ako nakabili dahil may nag abot sa akin ng dyaryo sa Cubao, pantakip kahit paano laban sa patak ng ulan ng nagsisimula ng paglakas.
Nagpasalamat ako sa dyaryo niya at di na kami nagkausap ng matagal dahil dinagdagan ko na rin ang proteksiyon na bigay ng dyaryo ng kaunting bilis ng pagtakbo patungo sa susunod na terminal.
Bibili na ako ng backpack sa isang mabuting pagkakataon.
Ang payong, ito ay napakahalaga.. kaya ako nung nasira yung di tiklop kong payong ng bagyong frank na araw araw ko dala, dahil ito ay nakasilid lamang sa aking bag na ang laman lang ay baon ko at payong... lubos akong nalumbay.. dahil ang bitbit bitbit ko ngayon ay payong na malaki at hindi ko masilid sa bag.. pero ang payong ay isang imbensyon na tunay na maasahan... c",)
TumugonBurahinNapakahalaga nga ng payong at sabi nga......
TumugonBurahin'Di ba, kahit umulan man o umaraw, Payong mo akong maaasahan, 'Di ka na mababasa ng Ulan.
Kahit ang bagyo ay kakayanin, Huwag kang lalayo sa akin, 'Di ka namababasa ng Ulan.
'Di na 'di na hinde, hinde, hinde, Mababasa ng Ulan
'Di na, 'di na hinde,hinde, hinde, Mababasa ng Ulan
'Di na,'di na hinde, hinde, hinde.
Maaring maisip mo o maitanong, nagustuhan ko ba yung kanta? Isa itong hiwalay na usapin. Nadamay lang siya sa isyu na kailangan ko ng backpack. ugh.....c",)
Kung di mo na makita yung payong mo bro, bili ka na rin ng automatic open at close na payong, bukod sa backpack..may kamahalan, pero since may backpack ka na, di mo na po siguro mawawala =) minsan kasi nakapayong ka nga, bago ka naman sumakay mababasa ka rin kasi di mo agad masara payong...May ioopen nga pala po akong usapin na may relasyon dito...naiintindihan kaya ng bagong henerasyon yung kasabihang "magpayong ka kasi baka dumami ka"...vhs pa ata ang uso nung pinalabas ang Gremlins e =)
TumugonBurahinbuti naman po at di nawala yung payong so ang problema ko na lang eh yung backpack muna. ok nga yun automatic open close, pero sa hirap ng buhay ngayon talagang tyaga na lang muna doon sa affordable. jackpot na talaga yung makatyempo ka ng needed item mo na may quality and affordable. kaya ang gawa ko bago ako bumili, at least na canvass ko from different places ang item. pero di ko na sinasadya puntahan yung mga lugar kasi gastos naman sa pamasahe. canvassing while on the way home lang and ever alert sa mga published sales and discounts.
TumugonBurahinpero alam mo, di naman ako talaga tamad magbitbit ng payong. nung high school nga ako ang gusto ko dalin na payong yung straight, long type. along with it I was imagining naka trench coat din ako, british ang dating baga.=)
as for the Gremlins, buti din naman na di ako takot mabasa sa ulan, which means wala akong lahi ng Gremlins =)
Ang masasabi ko lang dati rati nakabili ako ng 50 pesos na payong sa commonwealth market nung ako ay binata pa at bumisita sa aking sinusuyo, at dahil biglang umulan na hindi ko inaasahan. Ako ay napabili. Tumagal din ng isang taon ito.. ito ay di tiklop.. pero sa quality dun ako sa straight long type.. marami kami nito dahil pag pasko madalas ito ang regalo, may tatak pa ng kumpanya.. Ang payo ko lng Mahal ang payong sa mall ranging from 300 - 800 pesos o mas mataas pa... Regards....
TumugonBurahin