Martes, Abril 15, 2008

Karaniwang Tao

“Ako po’y karaniwang tao lamang, kayod kabayo yan ang alam.

Karaniwan ang problema, pagkain, damit, at tirahan.”>JAyala

 

Ang simple kong mundo, nagiging kumplikado.

Yung pandesal ko sa umaga, kaawa ng kagatin yung tig- pipiso.

Yung bigas na isasaing, kailangan pang pumila para makabili ng 2 kilo ang 30 pesos ko.

Ang dating 26 pesos kong gasoline, ngayon ay 48 pesos na.

Ang 3 - dalawang piso kong kendi, mamiso na ang isa ngayon.

Tiis tiis na lang. Makakaraos din.

Ang mahalaga alam natin piliin ang tama kaysa mali.

 

8 komento:

  1. akala ko super yaman si Joey Ayala... apelyido nya kasi Ayala eh :-)

    Ika nga ng kanta namin nung elementary.. "Ang Pilipinas Kong Mahal"... mahal talaga dahil sobrang mahal ang bilihin. sobrang nakakarindi na mga balita puro magtataas ang ganun, magtataas ang ganyan.. ang gasolina linggu-linggo kung magtaas! hay naku! Si Gloria na lang talaga ang hindi tatatas! :-(

    TumugonBurahin
  2. sa ngayon, nabobola pa ni Gloria ang mga tao o sinasakyan lang siya ng mga nakikinabang kahit paaano. case in point: 500 pesos para sa mahirap selective program.
    power corrupts and absolute power absolutely corrupts.
    these corrupt public servants, their time will come or better yet baka magising din sila isang araw. :)

    TumugonBurahin
  3. hay naku... mamimigay ng 500 para bumango sya maski papano. I don't buy her stunts. There's always a game behind the deed pag si Gloria ang gumagawa.. perhaps I have become jaded, but I always feel that the govt. is plotting something whenever they go out and do these things. sana nga magising na sila... haayy... konting tiis pa malapit na ang 2010. sana may magbago naman.. pag walang magbago tiis tiis na lang ulit. hehe

    TumugonBurahin
  4. dati ok lang sa akin maging president si Gloria because of her good management record at DTI. then came "hello garci" , first family lifestyle excesses, IMPSA, Macapagal boulevard, jocjoc, abutan ng pera sa malakanyang, zte nbn.
    ok lang, forgiven na lahat yan. wait ko na lang 2010 with a request na sana pakunswelo naman sya na ayusin na lang nya ang rice shortage kuno sa Pinas.
    i knew she could if she wanted to. :)

    TumugonBurahin
  5. hehe... but will she ever want to? ayaw na talaga ata nya umayos-ayos eh.. naku bahala sya

    TumugonBurahin
  6. and i think she will not make as president until 2010. mapupuno na ang salop at kakalusin na. :-(

    TumugonBurahin
  7. Haay, napuno na salop ko bro...that is why i'm leaving...but am not abandoning my country...hopefully, with God's help, i'll be one of those who they call, the "new heroes" of this country, "saving " the economy through dollar remittance...it won't be easy, my only consolation is i might be able to see inkong again =)

    TumugonBurahin
  8. Ganon din ako sis, kung posible lang sa akin na lumabas ng bansa, gagawin ko on the thought pa rin na napakaswerte pa rin ng Pilipinas dahil dito muli nagsimula ang lahing hinirang.
    we have the best leaders possible and they have shown the way. Internationalist we should be!

    TumugonBurahin