Linggo, Enero 27, 2008

a day in a life

Alas singko y medya ng daling araw, ika- 28 ng Enero 2008.

Papasok ako kanginang umaga at sa paglalakad ko patungo sa sakayan ng dyip, may makakasalubong akong taong grasa. May bitbit syang dalawang sako ng kung anu ano sa kanyang magkabilang kamay. Medyo umiwas ako ng kaunti dahil sa alam ko naman na hindi normal ang kanilang pag- iisip. Pero di niya ako pinalagpas at ibinaba niya ang bitbit niyang  sako. Nag- mustra sya  na parang may isusubo gamit ang kanyang kamay at naintindihan ko na humihingi siya sa akin ng tulong para sa kanyang pagkain.

Tamang tama naman na limang piraso pa lang ng kinse pesos ng mamisong pandesal na nabili ko sa kanto ang nakakain ko at naisip ko na iyon na lamang ang iabot sa taong grasa upang siya ay may makain.

Ngunit laking gulat ko na ayaw niyang abutin ang balutan ng pandesal. Nakapagtataka talaga kasi sa karanasan ko sa mga humihingi ng limos, anuman ang iaabot mo sa kanila ay dali dali nilang tinatanggap dahil nga sa kasalatan pananalapi o pagkain.

Sa pagtanggi niya sa aking ibinibigay, naintindahan ko rin na ayaw niya ng bagay na ibinibigay ko dahil naulinigan ko siya ng parang bumibigkas, “beinte”…..“beinte”. Ang gusto pala niya ay pera o beinte pesos ang iaabot ko sa kanya. Nais ko man siyang tulungan sa pagkakataong iyon, lumakad na lang ako palayo sa kanya. Inisip ko na lang na di naman niya kailangan ang pagkain dahil ayaw niyang tanggapin ang pagkain na iniaabot ko. Dahilan lang siguro niya na ang ipinanghihingi niya ay para sa kanyang pagkain, kesyo beinte pesos ay sapat na. Saan kaya niya gagamitin ang beinte pesos?

Magpapa- eload ba siya?*

 

*Ang huli kong tanong na binitiwan ay hindi upang gawing katawa tawa ang kalagayan ng taong grasa. Naibulalas ko lang ito sa pagbabakasakali na ito ay makakapag- pagaan sa sitwasyon. Masyado na yata kasing malalim ang tagalog ko.

Paumanhin po.

 

3 komento:

  1. Ako naman po may pinalimos din, laking gulat ko naman ng iningles ako! Di ko na matandaan kung ano yung sinabi nya, parang something about the weather or traffic or something..di kaya na "wow mali" ako? =)

    TumugonBurahin
  2. kailan po nangyari yan sis? abangan ko nga po sa channel 5, "wow mali bites". nag nose bleed po ba kayo? =)

    TumugonBurahin
  3. matagal na po e, kaya di ko na maalala yung sinabi nya..pero wala naman akong nabalitaan na nakita ko sa tv = )..so i guess talagang marunong lang mag-ingles yung mama and he was probably not thinking normally anymore..sad rin kasi you know that he came from a much better situation..

    TumugonBurahin