( Ang damdaming ito ay naibulalas noon pang ika- 27 ng Hunyo taong kasalukuyan.)
Ang umagang ito ay nakakapanibago at maaaring kanina ko lang napansin ang bagay na ito.
Ang Mamang suki kong tindero ng taho sa kanto ay wala sa kanyang puesto kanina kaya di ko natikman ang tinda niyang mainit na taho. Kanina lang ba siya lumiban? Noong nakararaan kasi hindi ko naman napapansin kung liban nga siya.
Ibig bang sabihin nito kaya ko siya napansing nawawala, parte na siya ng buhay ko? Pinagdugtong ng tinda niyang taho ang buhay naming dalawa?
Sa kanyang pagkawala, ilang magagandang posibilidad ang pumasok sa aking isipan na maaaring kadahilanan ng kanyang hindi pagkakaroon ng pagkakataong magtinda ng taho sa araw na ito.
Maaaring sumugod siya sa ……..
- Comelec upang alamin kung sino na nga ang “official winners” sa eleksyon na ginanap isa’t kalahating buwan na ang nakararaan.
- Comelec para malaman kung bakit itinigil ang napakabilis ng desisyon na isuspend ang bilangan ng boto sa Binan, at napakahirap namang desisyunan na isupend ang bilangan sa Maguindanao.
- Maguindanao para kunin ang celphone number ni Lintang Bedol at ipaalam ito sa taga Comelec.
- Maguindanao para malaman kung magkahawig nga ang pagmumukha ni Garci at ni Bedol.
- Bahay ni kuya para bumili ng “plastic” at ibenta na ang mga ito sa junk shop kung saan sila ay nararapat.
Baka sakali, bukas may tindang taho na sa kanto.